DAVAO CITY – Inihayag ni Bombo International correspondent sa Taiwan nga si Jane Briñas na mas mahigpit na umano ngayon ang depensa ng Taiwan matapos ang huling insidente kung saan pumasok ang mga aircraft na pagmamay-ari ng bansang China.
Ayon kay Briñas na sa gitna ng pagsiguro ng Taiwan sa kanilang kahandaan sa magiging hakbang ng China, marami pa rin umanong mga Pinoy na nagtatrabaho sa nasabing lugar ang nakaramdam ngayon nga takot at nanaising umuwi na lamang sa Pilipinas para hindi maipit sa kagulohan.
Sa kasalukuyan ay normal pa ang sitwasyon sa lugar at walang pa umanong abiso mula sa Philippine embassy sa mga Pinoy na nasa Taiwan na maghanda.
Sinasabing may malaking pagbabago na ngayon ang Taiwan lalo na sa mga OFWs na natratrabaho sa lugar dahil nabibigyan sila nga prayoridad kung ikukumpara sa China na halos hindi nangangailangan ng mga Pinoy workers.
Malaki ang paniniwala ni Jane na may kakayahan ang Taiwan na depensahan ang kanilang lugar kung sakaling patuloy ang mga aktibidad at pangha-harass ng China.