-- Advertisements --

Naghahanda na rin ang mga Filipino Paralympics sa pagsabak nila sa Paris Paralympics na gaganapin din ngayong buwan ng Agosto, ilang araw matapos ang opisyal na pagtatapos ng Olympics.

Kahapon ay tuluyan nang bumiyahe ang mga pambato ng Pilipinas papuntang Paris upang sumabak sa kanilang nalalapit na laban.

Pagdating sa Paris, nakatakda rin ang tuloy-tuloy na training ng mga ito sa kani-kanilang mga larangan.

Ang Team Philippins ay binubuo nina Ernie Gawilan, Angel Mae Otom, Jerrold Mangliwan, Cendy Asusano, Allain Keanu Ganapin, at Agustina Bantiloc kasama ang kani-kanilang mga coaches.

Binati naman ng Philippine Sports Commission ang mga atleta.

Samantala, gaganapin mula Aug 28 hanggang Sept. 8, 2024 ang Paralympics.