KALIBO, Aklan—Handa na ang mga Pinoy pencak silat athletes na tumulak papuntang Cambodia para sa Southeast Asian Games 2023 na gaganapin sa Mayo 5 hanggang 17.
Ayon sa Aklanon gold medalist na si Mary Francine Padios, lilipad ang mga ito sa araw ng Miyerkules, Mayo 3 dakong alas-4:00 ng madaling araw.
Kaugnay nito, nakaramdam na sila ng pressure habang papalapit ang araw ng kanilang laro dahil tiyak aniya na mahigpit rin ang naging training ng kanilang makakalaban mula sa mga bansang sakop ng Southeast Aisa.
Dagdag pa ni Padios na hindi sila nagrerelax dahil nakasalalay sa kanilang mga performance ang tagumpay ng Pilipinas sa larangan ng nasabing laro lalo na’t inaasahan ng sambayanan na makauwi sila ng mga medalya.
Umapela din ang pinay athlete ng dasal sa mga mamamayang Pilipino upang makapagperform sila ng husto at matapos ng maayos ang laro.
Si Padios ay silver medalist noong 2019 SEA Games sa Pilipinas at naging gold medalist na ito noong 2022 SEA Games sa bansang Vietnam.
Ang mga atleta ng Pilipinas sa pencak silat ay kasalukuyang naka-isolation training sa Lipa, Batangas.