-- Advertisements --
![embassy advisory](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2022/09/embassy-advisory.jpg)
Naglabas ng advisory ang Philippine Embassy sa Oman para sa mga Pinoy bilang paalala na mag-ingat sa mga social media account na ginaggamit ang kanilang pangalan.
Ipinakita ng embahada ang mga screenshot ng mga mensaheng ipinadala mula sa pekeng account.
Ang mga mensahe ay nagpakita na ang isang cash reward ay ipinangako sa netizens para sa kanilang suporta.
Bibigyan ng link ang mga netizens kung saan dapat nilang ilagay ang kanilang personal information para maproseso ang diumano’y premyo.
Iginiit pa nito na ang embahada ay hindi gumagamit ng Messenger sa pag-disseminate ng mga impormasyon.