-- Advertisements --
Umakyat na sa 10,117 ang kabuuang bilang mga Filipino sa ibang bansa na nadapuan ng coronavirus.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na sa kabuuang bilang ay mayroong 6,284 ang gumaling na.
Nasa 758 naman ang nasawi at 3,075 naman ang kasalukuyang ginagamot.
Nananatiling marami ang bilang na nadapuan na ay mga Filipino na nasa Middle East.
Tiniyak naman ng DFA na patuloy ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga mga Filipino sa ibang bansa.