GENERAL SANTOS CITY – Excited na rin pati ang mga Pinoy sa Canada para sa Game 1 ngayong araw ng NBA 2019 Finals sa pagitan ng Toronto Raptos at defending champion Golden State Warriors na gaganapin sa Scotiabank Arena sa Toronto, Canada.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan kay Rochelle Nacional-Sagun, taga-Samar at kasalukuyan nang nakatira at nagtatrabaho sa Regina sa Saskatchewan, Canada bilang care assistant sa isang senior home, sinabi nitong nagbubunyi pa rin ngayon sa nasabing bansa dahil sa unang pagkakataon na nakapasok sa NBA Finals ang Raptors.
Sa katunayan, nasa 33 theaters umano sa buong bansa ang magpapa-free viewing ng Game 1 para sa lahat ng basketball fans na ginastusan ng pamahalaan ng Canada.
Alas-7:00 ng gabi, oras sa Toronto, magsisimula ang laro, habang alas-9:00 ng umaga naman dito sa Pilipinas.
Habang, ang kanilang grupo naman ng mga Pinoy doon ay magtitipun-tipon din umano upang manood.
Sa katunayan, ang kanilang grupo ay magpa-potluck kasabay ng backyard viewing ng laro sa pamamagitan ng projector.
Inamin naman ni Sagun na kahit nasa Canada ay Warriors fan ito.
Kaya naman bilang magsusuot ito ng Golden State Warriors tshirt, at Toronto Raptors jersey shorts upang makiisa na rin sa mga Canadians.