-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Excited na ang mga pinoy sa pangalawang friendly match sa pagitan ng women’s national football team ng Pilipinas at sa bansang Chile.
Ayon kay Bombo International Correspondent Aileen Jessica Vicente Tolentino ng Chile na kahit may trabaho sila sa naturang araw pero ay nagpaalam na sila sa kanilang employer para pupunta ng stadium at suportahan ng personal ang Team Filipinas.
Dagdag pa nito na kahit national sports ng Chile ang football at gaano popular sa mga pinoy pero dili magpahuli ang Team Filipinas.
Naniniwala sila na manalo ang Pilipinas laban sa Chile bukas.
Maalala na sa unang laro ng mga ito ay tabla sa 1-1 ang resulta.
Ang Chile ay nasa ika-38 na ranking habang ang Pilipinas ay nasa ika-53 na pwesto.