-- Advertisements --

Umaasa ang maraming mga Pilipino sa China sa tuluyang pagbabalik normal ng buhay sa kanilang lugar kasabay pa rin ng banta ng COVID-19.

Sa panayam ng Star FM Baguio kay Bombo International Correspondent Clea Gacillos, OFW sa Zheijang, China, sinabi nitong patuloy silang nagbibigay ng suporta sa kapwa mga OFW, online man o sa mga iba pang public activities.

Hanga rin naman siya sa tatag ng mga Pinoy sa China sa gitna ng banta ng sakit.

“Itong experience na to, siyempre kahit sino, hindi inaasahan ito. You don’t want to be in this situation kasi nakakatakot for your self and for your family. Sa Filipino community in China, to all the Filipinos in China, sobrang hanga ako kasi alam ko na malalagpasan naming ito at yung mga Pinoy, very resilient and strong yan.”

Dagdag pa nito na marami man ang nakauwi na, ilan pa rin sa mga Pinoy ay mas pinipiling manatili sa dayuhang bansa.

“Kaya naman kami mag stay dito, para sa pamilya namin. Walang ibang dahilan.”