-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nawalan ng trabaho ang maraming mga Pilipino sa Denmark dulot ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Bombo International Correspondent Analyn Busk, restaurant manager sa Lyngby, Denmark, apektado na din ang mga OFWs at nga Pinoy immigrants doon sa pagsasara at pagkalugi ng mga kompanya doon dahil sa epekto ng kasalukuyang pandemic.

Aniya, mismong negosyo niya doon ay apektado din.

Gayunman, pinagpapasalamat pa rin nila dahil karamihan ng mga empleyado sa Denmark ay mya employment insurance kaya kahit nawalan ng trabaho ang mga apektado ay may natatanggap na sweldo pa rin ang mga ito dahil sa kanilang insurance.

Nakakatanggap din aniya ng tulong mula sa pamahalaan ng Denmark ang mga walang employment insurance na nawalan ng trabaho.

Gayunman, binahagi ni Busk na dahil sa sitwasyon ngayon doon ay hindi na rin nakakapagpadala ng pera ang ibang Pinoy doon para sa kanilang pamilya dito sa Pinas.

Batay sa report, higit na sa 7,500 ang kaso ng COVID-19 sa Denmark at higit 360 ang mga namatay.