CEBU – Nasa alanganin umano ngayon ang tsansa ni US President Donald Trump na mananalo sa US Election 2020. Ito’y batay sa kasalukuyang survey sa Estados Unidos.
Ayon kay Bombo US Correspondent Daniel Quindao Guden, tagilid ang pagkakataon na muling makakaupo sa White House si Trump matapos sa nangyaring debate nito kay Democrat Presidential hopeful Joe Biden.
Aniya, malaki ang posibilidad na bumaba ang rating ni Trump sa survey dahil na rin umano sa mahina at tila hindi seryoso nito sa usapin sa Coronavirus Disease 2019.
Sa katunayan, ayon kay Guden, mismong sa state ng Florida kung saan nakatira ang US President natalo pa ito sa latest survey. Kabilang sa posibleng naka-apekto sa mababang rating ni Trump ang usapin tungkol sa pagpatay sa ilang Black American na siyang dahilan ng panawagan na ‘Black Lives Matter’.
Gayunpaman, tila hindi umano nagpatinag ang kampo ni President Trump pati na rin ang kampo ni Biden kung saan marami ang humanga nito sa ngayon dahil sa record nito na nagpabangon sa ekonomiya ng Estados Unidos matapos ang nangyaring recession kasama si dating US President Barrack Obama.
Samantala, sa ulat ni Guden, may ilang estado na umano sa US na nagsimula ng bumoto kahit na’y sa Nobyembre a-tres pa ang eleksiyon.