-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng isang Pinoy na nakabase sa Naples, Florida, na nagsimula nang mag-panic buying ang mga residente sa nasabing lugar dahil sa napipintong pananalasa ng Hurricane Dorian.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Mimi Schulz, sinabi nito na nagkaubusan na sa establishment ang suplay ng mga bottled water, tinapay, canned goods at lalo na ang gasolina.
Aniya, naghahanda na rin sila kung kinakailangan nilang mag-evacuate sa oras na dadaan sa Naples ang Category 4 ng Hurricane Dorian.
Napag-alaman na tinatayang may 150,000 Pinoy sa Florida ang nanganganib na maapektuhan sa masamang lagay ng panahon.