BAGUIO CITY – Patuloy ang pag-iingat na ginagawa ng mga Pilipino sa Paris, France para hindi madapuan ng coronavirus disease (COVID-19).
Ito ay dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso sa bansa.
Sa ulat sa Star FM Baguio ni Bombo International Correspondent Catherine De Vera Flores, make-up artist sa Paris, sinabi nito ang mga pamamaraan na ginagawa nya para maiwasan ang virus.
“Nagdadala din ako lagi ng gloves at sanitizer para palagi kong ma-sanitize ung kamay ko. Habang namimili ako sa labas ung mga pinapamalengke ko hindi ko muna pinapasok agad agad sa loob ng bahay. Nagsusuot din ako lagi ng disposable gloves everytime na lumalabas ako at siyempre naghuhugas ako lagi ng kamay ko everytime na manggagaling ako sa labas at umiinom din ako ng vitamin c para lumakas ung resitensya ko,” wika ni Flores.
Nanawagan din ito ng patuloy na pagdasal at pagtutulungan para malabanan ang COVID-19.
“At hindi ko rin kinakalimutan na magdasal para sa kaligtasan ng lahat, kailangan talagang mag-ingat kasi hindi na biro itong nangyayari marami ng buhay ang namamatay kaya sana makinig po tayo sa mga kinauukulan at magstay na lang po tayo sa bahay para maiwasan na po ang paglaganap ng virus,” dagdag nito.
Sa kasalukuyan nasa 5,387 na ang namamatay sa France dahil pa rin sa COVID-19.