Inaasahang makakatawid na sa border ng Egypt ang mga Pilipino sa Gaza na naiipit sa giyera sa pagitan ng pwersa ng Israel at militanteng Hamas sa loob ng 48 oras.
Ginawa ni Department of Foreign Affairs (DFA) USec. Eduardo De Vega ang naturang pahayag matapso na kumpirmahin ni US Pres. Joe Biden na pumayag si Egyptian Presidnet Abdel Fattah al-Sisi na buksan ang kanilang border.
Ayon pa sa DFA official, nasa 80 Pilipino ang inaasahang makakalabas sa may Rafah Border Crossing na border sa pagitan ng Egypt at Gaza.
Dagdag pa ng opisyal na mayroong 135 Pilipino ang nag-aanatay sa border na mayroong 41 asawang Palestinian.
Subalit wala pa aniyang garantiya na papayaan ang mga Palestinian na makatawid sa naturang border.
Sa kasalukuyan ayon sa DFA, mayroon pang 2 Pilipino sa Israel ang nawawala habang 4 na Pinoy na ang nakumpirmang nasawi sa nagpapatuloy na giyera.