Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na makakatawid na sa cross boarder ang mga Pilipino na nasa Gaza Strip na naipit sa matinding labanan sa pagitan ng mga Israeli forces at Hamas militants.
Ito’y matapos binigyan ng katiyakan ng Israeli government ang Pilipinas na kanilang papayagan na makadaan sa Rafah Crossing ang mga Pilipino patungong Egypt.
Inihayag ng Presidente na posibleng ngayong araw o bukas maipapalabas na amg Pilipino sa Gaza.
Sinabi ng Pang. Marcos nakaantabay na mga bus sa Rafah crossing kung saan sasakay ang mga Pilipino.
Ang Philippine Embassy sa Cairo ang nag facilitate sa mga bus at siyang nagtungo para salubungin ang mga kababayan natin mula sa Gaza Strip.
Iniulat din ng Pangulo na visible ang presensiya ng mga Philippine government officials sa Rafa Crossing Point, matatagpuan ito sa pagitan ng Egypt at Gaza.
Dagdag pa ng Pangulo bukod sa mga Pilipino duon, tinulungan din ng Philippine government ang ilang mga Thais, Vietnamese at iba pang mga lahi mula sa Southeast Asian countries na na-istranded sa crossing at nais ng makalabas ng Gaza.
Inihayag din ng Pangulo na nagkaroon din ng kumplikasyon o problema dahil ang mga asawang Palestinian ng ilang mga Pilipina ay hindi pinayagan makalabas ng Gaza kaya ilan sa mga ito ayaw iwan ang kanilang asawa at mga anak.
Panalangin ng Chief Executive na ligtas makakalabas ng Gaza ang mga Pilipino.