-- Advertisements --
Mayroong pang karagdagang 49 na mga Filipinos na nasa ibang bansa ang nadapuan ng COVID-19.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), naitala bang bagong kaso sa mga Asia at Pacific region.
Dahil sa nasabing bilang ay mayroon ng kabuuang 14,469 na mga Filipino na nasa ibang bansa ang nadapuan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay 4,400 dito ang nagpapagaling at 9,115 na ang gumaling habang mayroong 954 na ang nasawi.
Tiniyak ng ahensiya na patuloy ang kanilang ginagawang pakikipag-ugnayan sa mga bansang mayroong mga Filipino.