BACOLOD CITY – Patuloy ang monitoring ng Philippine Consulate General sa Indonesia hinggil sa kalagayan ng mga Pilipino kasunod ng magnitude 6.9 na lindol kagabi.
Sa panayam ng Bombo Radyo Bacolod kay Consul General Oscar Orcine mula sa Manado City, Indonesia, iniyahag nitong ligtas ang 200 Pinoy na mayroon silang kontak.
Ngunit aminado itong may iba pang mga Pinoy sa Indonesia na undocumented kaya umapela ito na kung maaari ay ipagbigay-alam sa kanila kung mayroong impormasyon tungkol sa kanilang sitwasyon.
Nabatid na narekord ang sentro ng lindol sa 185 kilometers sa southeast ng Manado City at may lalim na 24 kilometers.
Natutulog na kagabi si Consul General Manado nang mangyari ang lindol partikular sa Maluku Islands.
Ilang segundo bago ang pagyanig aniya, malakas ang tahol ng kanyang tatlong aso at tumahol din ang alaga ng kanilang kapitbahay.
Ito ay sinundan na ng malakas na pagyanig kung saan sumasayaw ang chandelier, kama at iba pang gamit sa loob ng bahay.
Sa kabila nito, nasa ligtas na kalagayan ang opisyal kabilang na ang staff ng Konsulada.
Wala ring naitalang pinsala sa kanilang opisina.