-- Advertisements --

LAOAG CITY – Naging masaya ang mga Pinoy sa Indonesia sa inaasahang pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa bansa matapos ang 14 na taong pagkakakulong at nakalinya para bitayin dahil sa drug trafficking.

Ayon kay Ms. Myla Castillo, Bombo International Correspondent ng Indonesia, na posibleng umuwi si Veloso sa buwan ng Disyembre.

Base sa kanya, sa naging pahayag ni Veloso, labis siyang natutuwa sa kinalabasan sa apela ng gobyerno at pamilya nito na maka-uwi sa bansa.

Dagdag pa niya na ito ay itinuturing na magandang balita para sa lahat ng Pilipino lalo na’t hindi napatunayan na sankya mismo ang mga nakuhang illegal na drogra.

Maipapaalalang naaresto si Veloso noong April 25, 2010 matapos makuhanan ng 2.6 kilo ng heroin sa bagahe niya.