-- Advertisements --

BACOLOD CITY- Nakahanda na sa anumang decision ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pinoy na kasalokoyang naninirahan at nagtatrabaho sa Iraq kasunod ng missile attack ng Iran sa nasabing bansa.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Eggy Alo, OFW sa Kurdistan region, sobrang higpit aniya sa Iraq kaya hindi sila basta basta makapag labas ng anomang impormasyon.

Subalit pinaalam ni Alo na nakahanda sila anomang oras na ipatupad ang mandatory repatraition kung saan hinanda na rin ng employers nila ang kanilang mga plane tickets.

Nag abiso naman ang Philippine Embassy sa Iraq kung saan tatawag o pupunta ang mga OFWs matapos magtaas ang DFA ng alert level 4 para sa mandatory repatriation, lalo na sa mga Pinoy na namomroblema dahil biktima ng illegal recruiters.

Ayon sa data ng Embahada, mayroong 450 na undocumented at 1,190 documented at karamihan sa mga ito ay naka base sa Kurdistan habang umaabot naman sa 847 naman ang naka base sa Baghdad area.