-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nangangamba na ang ilang mga Filipino sa Israel sa nangyayaring kagulohan sa pagitan ng Palestine at mga sundalo ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay JR Gurrobat isang OFW sa Giv’at Ze’ev sa Israel, nagpalabas na ng abiso ang Embahada ng Pilipinas na tutulong sakaling may mga Pinoy na plano ng umuwi sa bansa.

Subalit maraming mga OFW ang nagdadalawang isip pa rin na umuwi sa Pilipinas dahil sa kawalan ng trabaho sa bansa dala ng coronavirus disease pandemic.

Napipilitan na lamang umano silang lakasan ang loob at magdoble ingat makapagpatuloy lang sa kanilang hanap buhay upang may maipadala sa kanya-kanyang pamilya.

Sa ngayon sunod-sunod pa rin ang pagpapalipad ng mga rocket missiles ng Hamas militants na nakapwesto sa Gaza habang gumaganti naman ng airstrike ang mga sundalo ng Israel.