-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Gumagawa na rin ng paraan ang mga Pilipino sa Japan upang tulungan ang local coast guard sa kanilang search and rescue operation sa lumubog na cargo ship.
Ayon kay Bombo international correspondent Sally Hernaez, isang overseas Filipino worker sa nasabing bansa at tubong Banga, South Cotabato, nagdesisyon ang ilang mga Pilipino sa naturang bansa na umalalay sa Japanese coast guard upang hanapin ang mga tripulante ng lumubog na cargo ship.
Nabatid na lulan dito ang nasa halos 40 tripulanteng Pilipino, dalawang Australian, at dalawang taga-New Zealand.
Dagdag ni Hernaez, nasa limang mga Pilipino ang kusang nagbigay ng kanilang panahon upang tumulong sa paghahanap sa mga nawawalang mga tripulante.