BUTUAN CITY – Nababalot pa rin ng takot ang mga Pilipino sa bansang Lebanon matapos ang naganap na pagsabog kagabi kung saan kumitil na ng maraming buhay habang marami rin ang sugatan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan sa OFW na si Jai Jud Ibbang, na tubong Los Angeles, Butuan City na ngayon ay nagtatrabaho sa nasabing bansa, kinumpirma nitong nagsilikas sila kagabi matapos ang pagsabog ngunit hindi pa rin umano sila ligtas dahil may impormasyong masusundan umano ito ano mang oras.
Pahayag pa sa pinay na ang naganap na pagsabog ay nagpalala sa hirap na naranasan sa mga tao sa Lebanon pati na sa mga Pilipino.
Ayon pa nito, labis na ang kahirapan na kanilang nararanasan dahil sa Covid-19 kung saan bumulusok ang ekonomiya na idinidiin pa sa nasabing pagsabog.
Kaugnay nito, iginiit sa OFW na kailangang e-repatriate na sa gobyerno ng Pilipinas ang Pilipinong nagtrabaho sa Lebanon.