-- Advertisements --

Nananatiling ligtas ang kalagayan ng mga Filipino sa Libya, sa kabila ng panibagong airstrike kagabi sa Tripoli.

Ito ang sinabi ni Amb. Elmer Cato, matapos makatanggap ng report mula sa nasabing lugar.

“PhiNLibya has been informed of airstrikes this evening in Tripoli neighborhood where a number of Filipinos are staying. All our kababayan are safe and accounted for but were advised to remain alert and to take the necessary precautions,” wika ni Amb. Elmer Cato.

Nabatid na maraming Pinoy workers ang namamalagi sa Tripolo, kung saan aabot ito sa halos 10,000.

Tuloy-tuloy naman ang pagpapauwi ng mga manggagawa sa mga nakalipas na linggo.

Sagot ng pamahalaan ang paglikas sa mga ito, ngunit marami pa rin ang mas pinipiling manatili doon dahil sa kawalan daw nila ng mapapasukan kung babalik agad sa bansa.