-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Hindi ikonokonsidera ng ilang Pilipino ang pag-uwi na lang sa bansa kasunod ng mga bayolenteng protesta sa Myanmar.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Ellen Rose Alamon, guro sa Yangon, Myanmar, ang alerto ngayon ay nasa voluntary repatriation stage na subalit hihintayin pa umano nito kung umabot na sa mandatory.

Marami na rin ang mga namatay kung kaya mahigpit na paalala ng Embahada ng Pilipinas sa Myanmar sa mga Pinoy na huwag makisali sa mga protesta.

Apektado rin ng mga protesta ang pasok lalo pa’t tanging wifi lamang ang pinapayagan at down ang data signals.

Subalit mula alas-9:00 ng umaga hanggang ala-1:00 ng madaling araw lamang ang connection sa wifi at muli namang pinapatay.

Sa ngayon medyo kumakalma na aniya ang mga protesta matapos na magpakalat ng maraming mga militar.