-- Advertisements --

Naglabas ng abiso ang Philippine Consulate General sa New York sa mga kababayang Pilipino sa naturang lugar na laging mag-ingat at maging mapagmatyag.

Ito ay may kaugnayan sa isang 18-anyos na binatilyong turista mula Cebu ang nabiktima ng pambubugbog malapit lamang sa Philippine Center sa Manhattan nuong Miyerkules.

Batay sa inisyal na impormasyon, naglalakad lang ang biktima kasama ang 3 iba pang Pinoy sa bahagi ng 6th Avenue at 46th Street nang mangyari ang insidente.

Nagtamo ng sugat sa mukha ang biktima at nahuli naman ang mga suspek at isinuko sa New York City Police Department.

Napag-alaman na ayon sa konsulada, ito na ang ika-41 insidente sa New York na isang Pinoy na nabiktima ng krimen sa lugar kaya’t nakikipag-ugnayan na sila sa para alamin kung maituturing itong kaso ng hate crime.