Hindi naging dahilan para sa ilang mga Pinoy sa New York ang krisis na kanilang kinakaharap para hindi makapagbigay tulong sa mga front liners.
Sa panayam ng Star FM Baguio kay Mita Valentino Quiogue, isang Pinay business owner sa New York, inamin nitong naipasara ang kaniyang negosyo dahil sa lockdown, ngunit hindi raw ito pumigil sa kanila para makabigay serbisyo sa mga tao.
“My business [which is a beauty care establishment], it’s affected kasi non-essential, so pina-close kami ng government. Pero we donate sa Philippine General Hospital ng mga alcohol, kasi nandun halos lahat ng COVID patients. I donate food and snacks sa mga hospitals around New York, para makatulong, dahil we know how hard it is to get supplies and yung iba pa nagtataas ng presyo.”
Kwento rin nito na hindi lang sila kundi marami pang mga Pilipino ang nagbabahagi ng kanilang tulong sa mga ospital at sa iba pang nangangailangan.
“Yung mga marunong magtahi, nagtatahi sila ng mask. Gumagawa sila ng shields, tapos dino-donate nila sa mga hospitals or sa mga elders— yung mga may kailangan talaga.”
Sinabi rin nito na dahil sa nagaganap na krisis ay nakita niya sa mga tao ang natatanging pagbabago sa pagtutulungan at pagkakaisa na noon ay hindi nararamdaman sa New York.
“Dito, sobrang bilis ng buhay, so ang mga tao, they don’t check on anybody. Kanya-kanya. But with this happening, nakita ko na ang mga tao, nag co-cooperate. They check on each other. Mas united na ngayon.”
Ipinagmalaki rin nito ang mga Pinoy na walang tigil sa paglalaan ng kanilang oras para makapagbigay tulong at serbisyo sa panahong ng coronavirus.
“Ang nakakatuwa dito, makikita mo talaga yung innate sa Filipinos na pagbabayanihan. So they check on the elders. They check on other people if they need anything. Nagtutulungan talaga.”
Dahil sa nararanasan ay ibinahagi nito ang kanilang natututunan sa pagsubok na kinakaharap ng buong mundo.
“Learn to slow down and appreciate everything because health is wealth. Appreciate all of the people and be thankful and more grateful for everything that you have. Balewala ang pera. Lahat-lahat pantay, especially in a situation like this. Walang mayaman, walang mahirap kaya lahat magtulungan. To all my fellow Filipinos, please stay at home. I know it’s hard because maraming nawalan ng trabaho, maraming nawalang negosyo, but very flexible and very resilient ang Filipinos eh. Kaya natin to. Let’s unite as one and magtulungan.”