-- Advertisements --

Muling nagpaalala ang Embahada ng Pilipinas sa South Korea sa mga Pilipino sa naturang bansa na huwag makilahok sa mga demonstrasyon sa gitna ng kasalukuyang political crisis doon.

Sa inilabas na abiso ng Embahada ngayong araw ng Sabado, Marso 22, ipinaalala nito na pinagbabawalan ang mga dayuhan na makibahagi sa ganitong uri ng pampulitikang aktibidad sa ilalim ng batas ng Republika ng South Korea na nakasaad sa Article 17 ng Immigration Control Act (Sojourn and Departure of Foreigners).

Inaabisuhan ng Embahada ang lahat ng mga Pilipino na sumunod sa mga lokal na batas at regulasyon upang maiwasan ang anumang aberya sa kanilang pananatili sa South Korea.

Para sa mga katanungan o kaukulang tulong, maaaring makipag-ugnayan sa Embahada sa pamamagitan ng kanilang email na consular@philembassy-seoul.com o tumawag sa kanilang hotline na 010-9263-8119.