CEBU – Dahil sa patuloy na kaguluhan sa bansa sa Sri Lanka, ibinunyag ni Fathima Anisha, isang teacher at Bombo International News Correspondent sa bansang Sri Lanka, na mahirap ang kasalukuyang sitwasyon sa bansa lalo na sa mga ordinaryong tao.
Sinabi ni Anisha na pahirapan na ang pagbili ng pagkain, produktong petrolyo o anumang bagay sa bansa dahil sa pagbaba ng kanilang supply.
Mahirap din ang transportasyon sa lugar dahil sa kakapusan ng supply ng mga produktong langis na nakagambala sa lahat ng operasyon, kabilang ang pag-import at pag-export ng pagkain sa Sri Lanka.
Si Anisha ay nagtatrabaho bilang guro at wala umanong malinaw na iskedyul ng mga paaralan, gobyerno o pribadong opisina dahil sa kawalan ng sapat na kuryente na dulot ng pagbaba ng suplay ng langis sa lugar.
Gayunpaman, nilinaw din ni Anisha na ligtas ang mga Pinoy sa bansa dahil malayo sila sa kabisera na Colombo.
Sa katunayan, dalawang buwan nang naghihintay ang mga Pilipino sa tulong na ipinangako ng gobyerno dahil matatandaan na nangako ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 300 dinar na tulong para sa kanila ngunit 2 buwan na ngunit pa rin ito naibibigay.