BACOLOD CITY – Kanya-kanyang diskarte ngayon ang mga nasa Tarlac quarantine site na mga Pinoy mula sa Wuhan, China para maiwasang mabagot habang hinihintay na matapos ang 14 days.
Sa exclusive interview ng Star FM Bacolod kay Rona Dublar, sinabi niyang nililibang nalamang nila ang mga sarili sa pamamagitan ng masayang kwentuhan, pag e-excercise, habang ang iba naman ay tuloy parin ang trabaho na pwedeng gawin on line kagaya niya.
May kanya-kanya ding T.V sa kwarto nila at libreng Wifi kung saan malaya silang makaka access.
”Nag-uusap-usap din po kami kahit ano lang pong topic na may pagtatawanan and then yong iba po nag e-excercise kanya-kanya lang po kami ng style. Yong iba po may bitbit na trabaho, ako po kasi bitbit ko po iyong trabaho ko so, I can still work from here tapos sine-send ko nalang po on line.”
Dagdag pa ni Dublar kahit nasa kwarto lang sila lagi ay masaya parin sa pakiramdam na nandito na sila sa Pilipinas kung saan malapit na din silang maka uwi sa kani-kanilang mga pamilya.
” Yong feeling po na andito kana sa bansa natin, nandito na po kami sa Pinas so kahit po nandito lang po kami sa kwarto namin we’re counting the days, we’re looking forward doon sa ika 14th day namin na masasabi na namin na we’re free parang ganun, we are safe”.