-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ligtas ang mga Filipino na nasa Tonga matapos ang pagsabog ng bulkan na nagdulot ng tsunami.

Ayon sa Philippine Embassy sa New Zealan ang siyang may sakop sa Tonga, na naka-usap nila ang asosasyon ng mga Filipino sa Tonga.

Lahat aniya ng mga Filipino na naninirahan sa lugar ay kanilang nakausap at nasa ligtas umanong kalagayan.

Wala rin aniya silang mga natanggap na mayroong nasawing Pinoy sa nangyaring tsunami.

Pinayuhan din nila ang mga Filipino sa lugar na sundin ang nasabing anumang anunsiyo mula sa gobyerno ng Tonga.

Magugunitang matapos ang pagsabog ng underwater volcano sa isla ng Tonga ay nadulot ito ng tsunami na umabot pa sa Japan at bahagi ng California.