Tiniyak ni Philippine Ambassador to Turkey Raul S. Hernandez na walang Pilipinong nadamay sa nangyaring magnitude 7 na lindol sa Turkey kahapon.
Sa exclusive interview ng Star FM Baguio kay Ambassador Hernandez, inihayag nitong sa kasalukuyan ay mayroon silang close monitoring na ginagawa katulong ang mga community leaders.
Siniguro naman ng Ambassador na bukas ang kanilang opisina para tumugon sa mga Pilipinong mangangailangan ng tulong sa panahon ng trahedya sa bansa.
“We are in touch with the Filipino community leaders. Ligtas yung mga kababayan natin dito. Don’t worry, we are monitoring their situation and we hope to assist them kung kailangan. The Filipinos here are very strong, resilient, and proactive especially sa kanilang safety and welfare.”
Ayon sa datos mula kay Ambassador Hernandez ay nasa mahigit apat na libo ang mga Pilipino sa bansang Turkey.
Nakapagtala nga ang Turkey at Greece ng magnitude 7 na lindol kahapon, October 30, kung saan halos 30 na ang namatay at 800 mahigit ang sugatan.