-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Umabot na sa mahigit 30 ang bilang ng mga Pinoy sa United Kingdom na namatay dahil sa coronavirus disease.

Sa ulat ni Bombo correspondent Ramil Isogon mula sa England, 29 na mga Pinoy ang naitalang namatay sa iba’t-ibang bahagi ng UK kagaya ng mga nag-i-isolate sa kanilang apartment ngunit kung idagdag ang mga namatay sa mga care homes ay umabot na ito sa mahigit 30.

Ayon kay Isogon, kabilang dito ang mga frontliners, porters at mga cleaners na nagtratrabaho sa mga ospital.

Sa ngayon, nangunguna na ang UK sa may pinakamaraming COVID fatalities sa buong Europe na umabot na sa 29,427 at nalagpasan nito ang Italy na may 29,315 fatalities.

Pumapangalawan din ang UK sa buong mundo, sunod sa United States.

Aminado ang OFW na isang factor dito ang hindi mahigpit na magpapatupad ng precautionary measures laban sa virus kagay ng hindi mandatory na pagsuot ng face mask at hindi rin isinasailalim sa quarantine ang mga tawo mula sa ibang bansa na pumapasok sa UK.