-- Advertisements --

Tiniyak mismo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na walang Pilipino na nasa Ukraine ang madadamay sa gitna ng pinangangambahang paglusob ng Russia.

Nakikipag-ugnayan na rin daw si Locsin sa iba pang mga gobyerno na may parehong borders sa Ukraine.

Nauna ng sinabi ng Philippine Embassy sa Warsaw na kanilang mino-monitor ang nasa 380 Pilipino na naninirahan sa Ukraine na karamihan sa capital city ng Kyiv at malayo sa eastern border malapit sa Russia.

“We urge Filipinos in Ukraine to keep communication lines with the Philippine Embassy in Poland open, and wait for updates, bulletins, and safety instructions,” ayon pa sa DFA statement.

Aabot sa 400 Pilipino na ang na-contact ng embahada sa Ukraine at hiniling sa mga ito na agarang makipag-ugnayan sa embahada para sa mga anumang untoward incident sa kanilang lugar.

Ayon sa grupong United Filipino Global-Ukraine, ilang mga Pilipino na ang lumisan sa capital city habang ang iba naman ay nag-avail ng libreng repatriation flights ng pamahalaan.