-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Nagdudulot ng pagka alarma at pagkalito sa Zimbabwean kung malaria o Corona Virus disease na ang iniinda ng kanilang mga pasyente. Dahil nga na ang ibang kaso ng Covid-19 ay hindi agad matukoy at ang ilang sintomas ng dalawang sakit ay magkapareho.

Nakikipaglaban ngayon ang Zimbabwe sa pagpigil ng pagkalat ng Corona Virus Disease 2019 at nadagdagan pa sa biglaang pagtaas ng kaso ng malaria na umaabot na sa 135,000 at kumitil na ng 152 na katao. Habang ang Covid-19 cases naman ay nasa 32 at apat na ang namatay.

Sa ulat ni Star FM Bacolod international correspondent Tafadzwa Bandera, residente sa Zimbabwe, sinabi niyang mahihirapan ang kanilang bansa na mapigil ang Covid-19 pag dumami pa ang kaso nito dahil sa kanilang mahinang health system, kakulangan sa mga gamot, pasilidad, mga nurses at mga doctor.

Mahirap aniya pigilin ang mga taong gutom kaya lalabas at lalabas parin para dumeskarte upang makakain, kaya problema ng Zimbabwe ang palagiang paglabas parin ng mga residente sa kabila ng lockdown na pinapatupad.

Dagdag pa ni Bandera na maraming Pinoy din doon ngayon ang nababahala para sa kanilang kalusugan.

Sinabi din ng World Health Organization na ang bagong Coronavirus pandemic ay magdudulot ng pagkalito sa paglaban sa malaria ng sub-Saharan Africa.

Nagpaalala na rin ang UN health agency sa mga bansang may maraming kaso at namamatay dahil sa malaria, na gawan na ng paraan para mapigil ito bago pa sila bahain ng Covid-19 cases.