-- Advertisements --
D8 mfQQVUAA9bky
Photo courtesy of Toronto Raptors

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasasabik na ang mga pinoy sa gagawing grand homecoming parade ng Toronto Raptors sa Toronto City, Canada.

Ito ang naging kumpirmasyon ni Jorge Nicholas, isang pinoy migrant na nakabase sa Scarborough Toronto City, Ontario Canada.

Ayon kay Nicholas, isang ‘history in the making’ sa Canada ang nakamit na kampeonato ng team lalo pa’t ito ang pinakauna nilang kampeonato sa NBA league.

Maliban dito, ito rin ang unang pagkakataon na natalo ng isang outsider franchise o hindi taga Estadus Unidos ang mga American teams ng NBA.

Dagdag pa ni Nicholas, na sobrang proud ang lahat ng Pinoy migrants sa tagumpay ng Toronto Raptors.

Napag-alaman na naging makasaysayan ang panalo ng Raptors kontra sa Golden State Warriors sa Game 6 ng championship series sa iskor na 114-110.