BUTUAN CITY – Matagumpay na natapos kahapon ang 1st RDBP Asian Long Board Competition na inalihan ng 80 mga skateboard riders hindi lang ng Pilipinas kundi pa na, ng mga international competitors mula sa Japan, Taiwan, Singapore, Malaysia, Indonesia, Australia, Thailand.
Kaagad namang isinagawa kagabi ang awarding sa RDBP start up bazaar sa bayan ng Nasipit, Agusan del Norte para sa mga nanalo sa open, master’s, Class B at women’s categories.
Si Earl Maquirato ang nagkampyon sa Open Finals habang 2nd placer naman si Warren Arnaiz, 3rd placer si Sam Sam at 4th placer naman si Jointfrey habang sa women’s category, nagkampyon naman si Kath Parado ng General Santos team.
Hindi malilimutan ng Thai competitor na si Kiao ang karanasan nito sa nasabing event dahil sa magandang tanawin at masasarap na pagkaing nai-serve sa kanila.
Matapos ang competition proper kay ginawa naman ang deck viewing sa mismong event site sa View Deck ng Brgy. Camagong sa bayan ng Nasipit.