-- Advertisements --

Nagbabala ang Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) sa mga war veterans laban sa mga hindi rehistradong numbers na nag-aalok ng serbisyo para i-update ang pension status na nagpapabayad.

Sa isang pahayag, ipinaalala ng PVAO na libre ang alinmang serbisyo kaugnay sa validation sa kanilang pension status.

Dapat din daw umiwas ang mga pensioners sa kanila dahil hindi otorisado ang mga ito na makipagtransaksyon sa kanilang tanggapan.

Maaaring mag-inquire ang mga pensioners ng kanilang pensioners status sa Veterans Records Management Division (VRMD) sa pamamagitan ng kanilang contact numbers, (02) 8912-4864 o (02) 8376-4106, o sa kanilang official email address na vrmd.customercare@pvao.gov.ph.