-- Advertisements --

Mabibigyan na ng pagkakataon ang mga Filipino na maunahan ang mga dayuhan sa pagpili ng mga trabaho.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na may bagong memorandum circular silang ipapalabas kaugnay sa usapin ng pagdami ng mga manggagawang dayuhan.

Ilan aniya dito ay ang pagpalabas nila ng pangalan ng dayuhang aplikante at ang trabahong inaaplayan nito at dito mabibigyan ng isang buwan ang alinmang Filipino para kontrahin at kunin na lamang ang trabaho.

Sakaling may isang Filipino na nagpakitang kaya nito ang nasabing trabaho ay hindi na sila magbibigay ng working visa sa isang dayuhan.