-- Advertisements --

Patuloy ang paglakas ng mga trabaho na may kaugnayan sa construction sector sa Lao PDR.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac na dahil dito ay maraming mga magbibigay ito ng pagkakataon sa mga Pinoy na makapaghanap ng kanilang mga trabaho.

Dagdag pa ng kalihim na dati ang nasabing bansa ay market lamang siya para sa mga guro pero ngayon ay lumago ang infrastructure development sa nasabing bansa.

Lumalago din sa nasabing bansa ang hospitality industry gaya sa mga malalaking hotel na siyang malaking potensiyal na trabaho sa mga Pinoy.