-- Advertisements --

Ang mga miyembro ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) Board of Directors ay nagkakaisa na muling ihalal si Director Stephen C. Cruz bilang Chairman ng Board of Directors at Director Luis D. Carlos bilang Postmaster General at CEO.

Ginanap ito sa isang pulong ng board na ipinatawag para sa election.

Ang PHLPost ay isang korporasyong pag-aari at kontrolado ng pamahalaan kung saan ang presidente at ang Postmaster General ay dapat italaga sa namumunong lupon nito at hihirangin ng Pangulo ng Pilipinas.

Kung saan ang CEO ay kinumpirma at inihalal taun-taon ng mga miyembro ng lupon, naaayon sa Republic Act 10149.

Sa kaniyang pahayag, muling pinagtibay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatalaga kay Luis Carlos bilang Postmaster General at CEO ng Philippine Postal Corporation (PHLPost).

Sinabi din ng Pangulo ang kanyang pagnanais na ang dating Justice of the Court of Appeals na si Director Cruz ay mahalal bilang Chairman ng Board of Directors.