-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Abot sa 208 na board feet o katumbas ng 26 slabs ng indigenous tree ang naharang sa checkpoint ng Barangay Pisan Kabacan Cotabato.
Batay sa impormarsyon mula sa Kabacan-MENRO, mula umano sa watershed ang mga pinutol na kahoy. Agad nakipag-ugnayan sa pulisya ang mga tauhan ng Municipal Environment Resources Office at maayos na nakuha ang mga kahoy.
Nagpaalala si Kabacan Mayor Herlo Guzman na wag putulin ang mga punong kahoy dahil malaking tulong ito sa kalikasan.
Mapigilan ang baha at pagguho ng lupa sa kabundukan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Kabacan Menro at PNP sa nasabat na indigenous tree.