-- Advertisements --

Inilatag ngayon ng Davao City Police Office (DCPO) ang inisyal na plano para sa pagsugpo sa panggagahasa at iba pang sekswal na krimen sa ginanap na Consultative Forum Addressing Rape and Sexual Abuse Cases.

Ayon kay Police Major Maria Teresita Gaspan, pinuno ng Women and Children Protection Desk ng DCPO, palalakasin pa ng pulisya ang kakayahan nitong tumugon sa sekswal na pang-aabuso dahil sa sa patuloy pagtaas ng nasabing kaso sa lungsod.

Sa pinalabas na datos, nakapagtala ang DCPO ng 175 kaso ng panggagahasa noong 2019, 173 na kaso noong 2020 at 169 na kaso noong 2021. Sabi pa ni Gaspan na kinakailangang lumikha ng holistic anti-criminality forum partikular para sa pagtugon sa panggagahasa at iba pang mga krimeng sekswal sa ang siyudad.

Ang nasabing forum ay bubuuin ng lahat ng kinauukulang ahensya kabilang ang mga paaralan, barangay, faith-based groups at iba pang organisasyon at stakeholders. Sa kabilang banda, sinabi ni Col. Alberto Lupaz, Direktor ng DCPO na ang 20 police station commanders sa lungsod ay gagawin ang lahat para maprotektahan ang record ng Davao bilang isa sa pinakaligtas na lungsod sa Pilipinas.