-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakahanay na ang mga plano para sa nakatakdang libing ni Sto Nino Mayor Pablo Matinong Jr bukas, Agosto 1.

Kaugnay nito, mahigpit pa rin ang presensiya ng pulisya at mga barangay officials upang matiyak ang seguridad at maging ang pagpapatupad ng minimum health standards na itinakda ng Department of Health (DOH).

Ayon kay Sto. Niño Municipal Administrator Jofrey Frenal, magsisimula ang misa alas-7:30 ng umaga, pagkatapos ay dadalhin sa municipal hall para sa last viewing bago ihahatid sa kaniyang huling hantungan sa mausoleo sa Sto. Niño Public Cemetery.

Umaapela naman ito sa mga kabilang sa vulnerable sector katulad ng mga matatanda, buntis, maysakit at mga bata na manatili na lamang sabahay at ipanalangin si Mayor Matinong.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad laban sa riding-in-tandem criminals na bumaril-patay kay Mayor Abog kung saan kapwa nasampahan na ng kasong murder ang mga ito.