Nakatakda nang ilatag ng Department of Agriculture (DA) ang mga estratehiya para sa pagpapaunlad ng sektor ng agrikultura sa susunod na linggo.
Pinahapyawan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga plano na isusulong ng kagawaran, sa flag ceremony ng kagawaran.
Modernisasyon ng agrikultura, at pagkamit ng food security sa kabila ng paglilimita o pagbabawas ng mga produktong inaangkat sa ibang bansa ang ilan sa mga binanggit ng kalihim.
Ilalatag din ng DA ang mga estratehiya para sa pagpaparami ng produksyo ng pagkain sa pamamagitan ng paglilikha ng mas maraming trabaho para sa mga magsasaka at mangingisda.
Nakipagpulong ang ahensya sa mga magsasaka, mangingisda, at iba pang bahagi ng sektor para makabuo ng mas epektibong estratehiya sa modern farming.
Layunin ng agriculture department na makapagbigay ng sapat na suplay pagkain para sa mga Pilipino, at pababain ang presyo ng naturang pangunahing pangangailangan sa kabila ng epekto ng El NiƱo, ayon kay Laurel Jr.
Kaugnay nito, nanawagan din ang kaluhim sa Department of Science and Technology na bilisan ang implementasyon ng mga estratehiya ng departamento para maaagapan ang matinding epekto ng tagtuyot.
“Basically, a lot of things need to be done. We need to do this with a sense of urgency because there are only four years left in the administration of President [Ferdinand] Marcos [Jr.],” wika ni Laurel Jr.
“we also have to change the perception of Filipinos that we can produce more food for our country,” dagdag pa niya.
Maaaring maisapubliko na ng kagawaran detalyadong plano ng mga programa sa loob ng sampung araw.
Photo courtesy of DA.