CAUAYAN CITY- Plano ngayon ng Pamahalaan ng India na magtatatag ng mas maraming Oxygen Plant at mag angkat ng oxygen tanks dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19.
sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Anup Dubrial, Assistant Manager ng isang Hotel sa New Delhi, India sinabi niya na dahil sa bagong variant ng COVID 19 na nagresulta sa pagdami ng kaso ay nahaharap na ngayon ang kanilang bansa sa oxygen problem.
Aniya, dahil sa dami ng kaso at laki ng populasyon ng India ay ginagawa ng COVID center para sa mga pasyenteng tinatamaan ng COVID 19 ang mga Industrial hotel rooms at mga paaralan.
Ayon kay ginoong Dubrial tanging mga hospital staff lamang ang namamahala sa mga pasyenteng nanatili sa mga industrial hotels.
Pangunahin parin sa pangangailangan ng mga pasyente at mga pagamutan sa India ay ang tustos ng oxygen.
Nauna naring nagpaabot ng tulong sa India ang Russia matapos na magpadala ng bakuna kontra covid-19 habang nagpadala na ng karagdagang supply ng oxygen ang Saudi Arabia.
isinisi rin niya ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID 19 sa pagiging irresponsable ng mga residente na tila hindi sineseryoso ang banta ng covid 19 virus .
Iginiit niya na malaki ang papel ng mga residente kung bakit kumalat at lumala ang sitwasiyon sa India na sa kasalukuyan ay nakakapagtala pa rin ng record high sa dami ng mga nagoppositibo at nasasawi bawat araw.
Batay sa kaniyang pagtaya mula sa 130 million na populasyon ng India ay isang milyon sa mga ito ang infected o tinamaan na ng COVID 19 virus.