-- Advertisements --
jpg

Kinumpirma ngayon ng tournament chief ng Australian Open na dapat ay bakunado ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine ang lahat ng mga players na lalahok sa naturang torneyo.

Ayon kay Australian Open chief Craig Tiley, isa umano itong hamon at pressure sa world number one na si Novak Djokovic na ayaw sabihin kung ito ay naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Dagdag ni Tiley, dapat daw alam ng playing group na bago sumabak sa torneyo ay full vaccinated na ang mga ito.

Lumalabas na nasa 50 percent pa lamang ng mga players ang fully vaccinated sa nakalipas na anim na buwan.

Pero matapos ang anunsiyo ng Victoria government kung saan gaganapin ang torneyo ay nasa 80 percent na ang mga nagpabakuna.

Posible naman umano itong umabot sa 100 percent bago ang torneyo.

Base sa schedule ng mga organisers, magsisimula ang Australian Open sa Enero 17, 2022. (AFP)