-- Advertisements --
PRO 13

Sabay na magsusumite ng kanilang courtesy resignation ngayong araw, Lunes, Enero a-9, ang lahat ng mga police colonel ng Police Regional Office o PRO-13.

Ito’y bilang suporta sa panawagan ni Department of Interior and Local Government o DILG secretary Benjamin Abalos Jr. sa lahat ng mga full-fledged colonel at general ng Philippine National Police bilang bahagi ng internal cleansing sa nasabing organisasyon.

Napag-alamang dito sa Caraga Region, tanging ang nag-iisang heneral pa lang na si Police Regional Office-13 Director Brigadier Gen Pablo Labra II ang nagsumite ng kanyang courtesy resignation matapos makabalik nitong rehiyon mula sa Kampo Crame

Naniniwala ang heneral na makakatulong ito upang mawala ang mga pagdududa o akusasyon, na karamihan ng mga opisyal ng Philippine National Police ay sangkot sa mga aktibidad ng illegal na droga.