Binalaan ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief BGen. Vicente Danao Jr., ang lahat ng mga District at Police commanders na kaniyang kakasuhan kung hindi magawang i-account ang kanilang mga tauhan.
Sinabi ni Danao walang dahilan para hindi gawin ng isang pulis ang kaniyang trabaho.
Giit nito, lahat ng suporta ay ibinibigay ng pamahalaan sa mga pulis, kaya dapat lamang itong suklian ng maayos na pagse serbisyo.
Nais din ng heneral na 100 percent ang attendance ng mga pulis kaya nire-require niya magsumiti ng attendance sheet.
Magsasagawa din ng surprise inspection ang heneral kung totoong pumapasok at nagdu duty ang mga pulis.
Binigyang-diin din ni Danao na istrikto siya sa mga AWOL cases.
“Lahat ng pondo ay ibinababa at ibinibigay na sa inyo so I am expecting you to do your job properly, Doble na ang sweldo natin kaya’t dapat lang natin pasubalian ng kabutihan at maayos na pag-serbisyo, I am very strict on AWOL cases and I am requiring all offices to submit 100% attendance, If you can’t account your personnel immediately i will hold u accountable for it. Declare them AWOL if neccessary. Kapag lumapag ako dyan(stations) at di nyo ma-account ang tao niyo, I would file a case against you, Wag niyo ako binobola dito, mas matagal akong naging hepe sa inyo, magtrabaho tayo ng Tapat na may TAPANG at MALASAKIT para sa mamamayan. Totoong trabaho lang,” mensahe ni Danao sa mga kapulisan.
Nuong isang araw, binisita at nakipag pulong ang heneral sa mga opisyal ng Quezon City Police District(QCPD) sa ginanap na command visit sa Camp Karingal Quezon City.
Nais kasi ni Danao na litisin at tuldukan ang matagal nang kalakaran ng 15/30 o mga hindi pumapasok na miyembro ng kapulisan subalit patuloy na sumisuweldo na isang malaking panloloko sa bayan at mamamayan.
Nagbabala din si Danao sa mga tinaguriang rogue cops, kung hindi nila kayang tumigil sa kanilang iligal na aktibad umalis na lamang sila ng Metro Manila dahil kapag siya ay nahuli, mananagot talaga ang mga ito sa batas.
Siniguro din ng heneral na lalo pa nilang paiigtingin ang kampanya laban sa iligal na droga.