-- Advertisements --

Mas dapat isipin ang pagkakaisa at ang collective efforts na tulungang mapaunlad ang bansa sa halip na magbangayan sa politika.

Ito ang panawagan ng negosyanteng si Chavit Singson sa mga political leaders na isantabi ang mga hindi pagkakaunawaan at magtulungan upang mas mapalakas pa ang ekonomiya ng bansa.

Bilang isang beteranong public servant, naibahagi ni Chavit ang kanyang dedikasyon sa pagtulong gaya ng ginawa niya sa Ilocos Sur kung saan mula sa isa sa pinakamahirap na probinsya sa bansa ay naging pang-lima sa mga pinakamayamang probinsya.

Una na nitong sinabi na ang isa sa kayang adhikain ay gaya na lamang ng modernisasyon ng mga public utility vehicles (PUV) sa pamamagitan ng pagbibigay ng pautang na zero downpayment, zero interest at zero collateral sa mga drivers at operators.

Isinusulong din nito ang transition sa paggamit ng electric vehicles gaya ng e-trikes, motorcycles at e-jeepneys.

Kasama din sa kanyang programa ang universal basic income proposal na naglalayong magbigay ng buwanang P500 sa mga minimum wage earners pababa at ang nalalapit na paglulunsad ng VBank na tutulong sa mga ordinaryong Pilipino na magkaroon ng access sa banking system sa bansa.