ILOILO CITY – Dinagsa ng mga deboto ang iba’t-ibang mga pook pasyalan at pilgrimage sites sa Iloilo kasabay ng paggunita sa Semana Santa.
Pagkatapos ng tatlong taon, muling idinaraos ang Taltal sa Barotac Viejo at dumagsa ang mga pilgrims sa Agony Hill sa Alimodian, Iloilo.
Napuno rin ang mga pook pasyalan at resorts sa lalawigan kahapon.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Police Major Rolando AraƱo, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office, sinabi nito na walang Holy Week-related crime incidents na naitala sa lalawigan simula pa noong Palm Sunday.
Aniya, naging epektibo ang security plan na ipinatupad ng pulisya.
Wala namang naitala na drowning incident.
Samantala, sa gitna ng paggunita ng Semana Santa, hindi tumigil ang mga kapulisan sa kanilang kampanya laban sa mga iligalista.
Sa buong linggo, anim na mga drug operations ang ikinasa ng Iloilo Police Provincial Office.