-- Advertisements --

Walang nakikitang paglabag ang Department of Agriculture mula ng ipinatupad na nila ang maximum suggested retail price ng karne ng baboy.

Sinabi ni Undersecretary Constante Palabrica, undersecretary for livestock, na karamihan sa mga tindero ng mga karne ng baboy mahigpit na sumusunod sa ipinatupad nilang MSRP.

Naniniwala din ang opisyal na tuluyan ng bababa ang presyo ng baboy sa mga susunod buwan.

Dahi sa kaunti na rin ang bilang ng mga kaso ng naapektuhan ng African swine fever (ASF) ay darami na ang suplay ng karne ng baboy.